Natuto ka
- tungkol sa pisikal na aktibidad at pagsasanay
- ng pamamahala sa pagsasanay
- tungkol sa kalusugan, nutrisyon at ang istraktura ng katawan
- ng mga paksang teoretikal
Ikaw ay dapat na
- interesado sa kalusugan at pisikal na aktibidad
- handa sa pagsasanay sa bawat araw, sa oras ng at pagkatapos ng mga oras ng pagsasanay
- magaling sa isa o mas marami pang sports
Aabot sa kalahati ng mga estudyante sa Vg1 ang maaaring tanggapin batay sa isang pagsusulit para matanggap o mga dokumentadong kasanayan.
Nakamit mo ang
- pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) at maaaring kumuha ng mas mataas na edukasyon
Kung kukuha ka ng mas mataas na edukasyon, maaari kang, bukod pa sa iba pang bagay, maging
- physiotherapist, sports psychologist o personal trainer
- guro, sports consultant o tagapayo sa larangan ng pisikal na aktibidad at kalusugan
- pinuno sa pangkalikasang outdoor life at turismo
- pulis, o opisyal sa sandatahang lakas
Maaari ka ring mag-aral ng iba pang propesyon – sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad.
Ang mga pagtatrabahuhan ay maaaring
- mga paaralan
- mga training center o samahang pang-sports
- mga institusyon sa pagpapagamot
- ang hukbong sandatahan at ang pulisya
Pagkakatanggap sa mas mataas na edukasyon
Sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Gayunman, ang ilang pag-aaral ay may mga espesyal na hinihingi para matanggap:
- Mga pagsusulit upang matanggap: Ang ilang pag-aaral ay nangangailangan ng praktikal na pagsusulit upang matanggap. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay pagiging malikhain o mga pag-aaral ng sports.
- Mga kinakailangang pang-agham: May ilang pag-aaral na kinakailangang kumuha ka ng mga paksang agham. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay inhinyeriya, agham at mga medikal na pag-aaral. Matatagpuan mo ang mga kinakailangan upang matanggap sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa samordnaopptak.no. Sa ilang programang pang-edukasyon maaaring maging mahirap na makahanap ng timetable upang mapili ang lahat ng agham na kailangan mo. Kung magtutuon ka sa mga pangkalahatang pag-aaral sa natural na agham at matematika sa Vg2 at Vg3 pinakamalamang na makuha mo ang mga agham na kailangan mo.
Valg av fag i utdanningsprogram for idrettsfag
- Tre programfag kan du velge selv, ett på Vg1, ett på Vg2 og ett på Vg3.
- De valgfrie programfagene kan være videre spesialisering innen idrettsfag og/eller fag fra et annet programområde i studieforberedende utdanningsprogram (for eksempel realfag eller fremmedspråk).
- Det er opp til skolen din hvilke programfag som tilbys.
- Hadde du ikke fremmedspråk på ungdomstrinnet? Da må du ta fremmedspråk som fellesfag på Vg3 istedenfor det valgfrie programfaget på Vg3.
- Har du spesielle framtidsdrømmer? Da bør du sjekke opptakskravene til studiene, før du velger fag.
- Programfag i fremmedspråk og realfag gir tilleggspoeng ved opptak til høyere utdanning.