Sining, disenyo at arkitektura

Natuto ka

  • na gumuhit
  • na humugis ng mga bagay-bagay sa iba’t ibang materyales
  • na linangin pa ang iyong mga kakayahan sa pagiging malikhain
  • tungkol sa sining at kultura
  • tungkol sa pagpapaunlad na panlokal at pang-urban
  • ng mga paksang teoretikal

Ikaw ay dapat na

  • mahilig gumuhit
  • malikhain
  • interesado sa disenyo, hugis at kulay
  • interesado sa estetika
  • interesado sa paglikha ng isang bagay

Nakamit mo ang

  • pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) at maaaring kumuha ng mas mataas na edukasyon

Kung kukuha ka ng mas mataas na edukasyon, maaari kang, bukod pa sa iba pang bagay, maging

  • architect, landscape architect o interior architect
  • product designer, industrial designer o graphic designer
  • mediator ng kultura at sining, curator o artist
    Maaari ka ring mag-aral ng iba pang propesyon – sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad.

Ang mga pagtatrabahuhan ay maaaring

  • tanggapan ng arkitekto o konstruksiyon at mga kumpanyang pangnegosyo
  • mga production company o mga design agency
  • mga museo, galeriya o mga studio ng mga artist

Pagkakatanggap sa mas mataas na edukasyon

Sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) maaari kang mag-apply sa karamihan ng mga pag-aaral sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Gayunman, ang ilang pag-aaral ay may mga espesyal na hinihingi para matanggap:

  • Mga pagsusulit upang matanggap: Ang ilang pag-aaral ay nangangailangan ng praktikal na pagsusulit upang matanggap. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay pagiging malikhain o mga pag-aaral ng sports.
  • Mga kinakailangang pang-agham: May ilang pag-aaral na kinakailangang kumuha ka ng mga paksang agham. Ang mga halimbawa ng gayong mga pag-aaral ay inhinyeriya, agham at mga medikal na pag-aaral. Matatagpuan mo ang mga kinakailangan upang matanggap sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa samordnaopptak.no. Sa ilang programang pang-edukasyon maaaring maging mahirap na makahanap ng timetable upang mapili ang lahat ng agham na kailangan mo. Kung magtutuon ka sa mga pangkalahatang pag-aaral sa natural na agham at matematika sa Vg2 at Vg3 pinakamalamang na makuha mo ang mga agham na kailangan mo.

Valg av fag i utdanningsprogram for kunst, design og arkitektur

  • Tre programfag kan du velge selv, ett på Vg2 og to på Vg3.
    • De valgfrie programfagene kan være videre spesialisering innen
      kunst, design og arkitektur og/eller fag fra et annet programområde i studieforberedende utdanningsprogram (for eksempel realfag eller fremmedspråk).
    • Det er opp til skolen din hvilke programfag som tilbys.
    • Hadde du ikke fremmedspråk på ungdomstrinnet? Da må du ta fremmedspråk som fellesfag på Vg3 istedenfor det valgfrie programfaget på Vg3.
  • Har du spesielle framtidsdrømmer? Da bør du sjekke opptakskravene til studiene, før du velger fag.
  • Programfag i fremmedspråk og realfag gir tilleggspoeng ved opptak til høyere utdanning.

Formgivingsfag i utdanningsprogram for studiespesialisering (gammel ordning)