Matututunan mo ang
- paggawa at pagtatayo ng mga bagong gusali at pasilidad
- pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga gusali at pasilidad
- tungkol sa klima at teknolohiya
- paggamit ng mga drawing, paglalarawan, at kalkulasyon
- tungkol sa kalidad at kaligtasan
- kaalaman tungkol sa mga materyal
Dapat kang maging
- praktikal at marunong sa pagtatrabaho gamit ang iyong mga kamay
- hiwalay at tumpak
- mahusay sa pakikipagtulungan sa iba
Maaari kang maging
- trabahador sa kalsada o konsrtuksyon o isang tapag-aspalto
- isang landscaper, hardinero, o operator ng makinarya sa konstruksyon
- isang pintor, bricklayer, karpintero, o tubero
- isang scaffolder, a roofer, o tinsmith>
- isang karpintero ng mga produktong gawa sa kahoy o glazier
Tingnan ang lahat ng propesyon at kakayahan
Mga lugar ng trabaho
- mga pampubliko o pribadong negosyo
- malalaki o malilit na negosyo sa gawaing pangkamay
- mga negosyong pagn-industriya o konstruksyon
Karagdagang edukasyon
Humahantong ang edukasyon at pagsasanay na pampropesyon sa kaalamang pampropesyon (mayroon o walang sertipiko sa negosyo o journeyman). Pagkatapos sa edukasyon at pagsasanay na pampropesyon ay maaari kang magsimulang magtrabaho o kumuha ng higit pang edukasyon:
- Maaari kang kumuha ng higit pang edukasyon sa isang ikatlong antas na kolehiyong pampropesyon. Ikatlong antas na edukasyong pampropesyon ay dumadagdag sa mataas na edukasyong sekondarya na pampropesyon at nagbibigay ng higit pang edukasyong pampropesyon na maaaring direktang gamitin sa buhay may-trabaho.
- Maaari kang kumuha ng Vg3 karagdagang programa para sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification)
– matapos ang Vg2 o
– matapos makamit ang kaalamang pampropesyon.
Magkakaroon ka na ngayon ng opsiyon na kumuha ng mas mataas na edukasyon sa isang kolehiyo o unibersidad. Tandaan na ang ilang programa ng pag-aaral, tulad halimbawa ng inhinyeriya, agham at medikal na pag-aaral, ay mangangailangan sa iyo ng ilang paksa sa agham. - Maaari ka ring mag-apply para sa mas mataas na edukasyon matapos ang isang pang-unang kurso o sa pamamagitan ng Y-path, ang daang pampropesyon tungo sa mas mataas na edukasyon. Inilaan ang Y-path para sa mga taong may kaugnay na karanasang pampropesyon. Ang mga paunang kurso at ang Y-path ay pinakakaraniwang ginagamit sa mga pag-aaral sa agham at inhinyeriya.