Natuto ka
- tungkol sa natural na materyales at paghuhugis ng landscape
- tungkol sa pangingisda at outdoor life
- tungkol sa pagpaparami at pagpapalaki ng mga hayop (animal husbandry) at kapakanan ng mga hayop
- tungkol sa mga tanim at natural na proseso
- tungkol sa biological production
Ikaw ay dapat na
- praktikal
- interesadong magtrabaho sa labas
- mapagmalasakit sa mga tao, hayop at sa kapaligiran
Maaari kang maging
- hardinero o agronomist
- landscaper o operator ng mga pasilidad sa sports
- maggugubat
- sapatero ng kabayo o sanay mangabayo
- sanay na manggagawa sa pagpaparami ng reindeer
- mangingisda o sanay na operator sa aquaculture
Tingnan ang lahat ng propesyon at kakayahan
Nakamit mo ang
- pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification) at maaaring kumuha ng mas mataas na edukasyon kung pipiliin mo ang pangkalahatang pag-aaral Vg3 agrikultura, pangingisda at paggugubat
Mga pagtatrabahuhan
- mga bagong planta at pagmamantini sa mga pampubliko at pribadong negosyo
- agrikultura o paggugubat
- paghahalaman (nursery o horticulture)
- pangingisda o paggawa ng palaisdaan
- pagpaparami ng reindeer
Karagdagang edukasyon
Humahantong ang edukasyon at pagsasanay na pampropesyon sa kaalamang pampropesyon (mayroon o walang sertipiko sa negosyo o journeyman). Pagkatapos sa edukasyon at pagsasanay na pampropesyon ay maaari kang magsimulang magtrabaho o kumuha ng higit pang edukasyon:
- Maaari kang kumuha ng higit pang edukasyon sa isang ikatlong antas na kolehiyong pampropesyon. Ikatlong antas na edukasyong pampropesyon ay dumadagdag sa mataas na edukasyong sekondarya na pampropesyon at nagbibigay ng higit pang edukasyong pampropesyon na maaaring direktang gamitin sa buhay may-trabaho.
- Maaari kang kumuha ng Vg3 karagdagang programa para sa pangkalahatang sertipikasyon upang matanggap sa unibersidad (general university admissions certification)
– matapos ang Vg2 o
– matapos makamit ang kaalamang pampropesyon.
Magkakaroon ka na ngayon ng opsiyon na kumuha ng mas mataas na edukasyon sa isang kolehiyo o unibersidad. Tandaan na ang ilang programa ng pag-aaral, tulad halimbawa ng inhinyeriya, agham at medikal na pag-aaral, ay mangangailangan sa iyo ng ilang paksa sa agham. - Maaari ka ring mag-apply para sa mas mataas na edukasyon matapos ang isang pang-unang kurso o sa pamamagitan ng Y-path, ang daang pampropesyon tungo sa mas mataas na edukasyon. Inilaan ang Y-path para sa mga taong may kaugnay na karanasang pampropesyon. Ang mga paunang kurso at ang Y-path ay pinakakaraniwang ginagamit sa mga pag-aaral sa agham at inhinyeriya.